Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga local government unit (LGU) sa Western Visayas na bumalik na sa ASF Free status at ngayon ay isinailalim na sa Pink Zone.
Ayon sa Department of Agriculture Western Visayas (DA-WV), ASF-Free na ulit ang Iloilo City, Banate, Batad, Barotac Viejo, Concepcion, Dingle, Mina, New Lucena, at Oton pawang sakop ng lalawigan ng Iloilo.
Matatandaang nauna nang nakabalik sa ASF-Free status ang mga bayan ng San Jose sa Antique; Jordan at Buenavista sa Guimaras; San Miguel at Santa Barbara sa Iloilo; at Pulupandan sa Negros Occidental.
Paliwanag ng DA, ang pink o buffer zone ay mga area nakapalibot sa red o infected zone.
Patuloy na hinihimok ng DA ang iba pang LGU na makiisa sa mga kinakasang programa para mapabilis ang pag-recover ng hog industry sa rehiyon.| ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo