Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat na sa higit sa 471,000 na pamilya o katumbas ng dalawang milyong indibidwal ang apektado ng El Niño.
Sa ngayon, nasa 11 rehiyon sa bansa ang pinaka-apektado kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at BARMM.
Kasunod nito, ang patuloy ng pagpapaabot din ng DSWD ng tulong sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.
As of April 23, sumampa na rin sa ₱64.5-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Nananatili ring available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa