Pumalo na sa 37 ang bilang ng mga nasawi kaalinsabay ng paggunita ng mga Pilipino nitong Semana Santa.
Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo buhat sa 29 na kanilang naitala kahapon.
Dahil dito, sinabi ni Fajardo na umakyat na rin sa 42 insidente ng pagkalunod ang kanilang naitala sa kasagsagan ng okasyon.
Karamihan sa mga ito ay nagmula sa CALABARZON, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Western Visayas.
Samantala, lumabas din sa datos na apat ang nasaktan habang tatlo ang nawawala dahil sa pagkalunod. | ulat ni Jaymark Dagala