Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024 batay sa resulta ng pinakahuling OCTA Research survey.
Sa naturang survey, lumalabas na 42% o tinatayang 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap sa unang quarter ng tao.
Mas mababa ito kumpara sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pilipino na nagsabing sila ay mahirap noong ika-apat na quarter ng 2023.
Ayon sa OCTA, nagpapakita rin ito ng tuloy-tuloy na downward trend sa self-rated poverty na nasa 50% noong Hulyo ng 2023
“The 3 percent decrease, representing approximately 800,000 families, while modest, still represents a continuing downward trend in self-rated poverty observed since July 2023, where self-rated poverty was at 50 percent. Self-rated poverty has been going down at a modest rate for the last five quarters starting July 2023,” —OCTA.
Malaki ang ibinaba ng self-rated poverty sa Metro Manila na bumaba sa 29% mula sa 40%; mula rin sa 46% ay bumaba sa 28% ang self-rated poverty sa Balance Luzon; habang nasa 47% naman sa Visayas.
Samantala, bumaba rin sa 11% o katumbas ng 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2024.
Mas mababa rin ito ng 3% kumpara sa 14% self-rated hunger rate noong huling quarter ng 2023.
“The 3 percent increase, representing approximately 800,000 families, deviates from the upward trends observed in the fourth quarter of 2023,” OCTA.
Kabilang naman sa mga rehiyong may pagbaba ng self-rated hunger ang Visayas at Mindanao.
Isinagawa ang Tugon ng Masa survey mula March 11-14 sa 1,200 respondents nationwide. | ulat ni Merry Ann Bastasa