Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umakyat na sa apat ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan kamakalawa.
Sa kaniyang “X” post, sinabi ni DMW Officer-In-Charge Usec. Hans Leo Cacdac na ang ika-apat na OFW ay nagtamo ng minor injuries matapos tamaan sa ulo ng mga bumagsak na debris.
Agad aniya itong isinugod sa ospital para lapatan ng lunas ngunit sa ngayon ay nakalabas na at nasa ligtas nang kalagayan.
Sinabi pa ni Cacdac, patuloy na mino-monitor ng kanilang tatlong Migrant Workers Office sa Taipei, Taichung at Kaohsiung ang sitwasyon ng mga Pilipino roon para umagapay at magbigay tulong sa mga apektado ng lindol. | ulat ni Jaymark Dagala