Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawa na ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa sunog sa Hong Kong kahapon.
Ayon sa DMW, nadagdag sa nasaktan ang isang Pilipina na sinugod sa ospital dahil sa pagkakalanghap ng usok.
Siya ay nakatatanda at permanent resident ng Hong Kong Special Administrative Region.
Siya ay dinala sa ospital at patuloy na inoobserbahan.
Samantala, patuloy ding nagpapagaling ang isa pang Pilipino na nasaktan sa sunog matapos masugatan. | ulat ni Diane Lear