Bumaba pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumaba pa sa 3.5 percent ang unemployment rate ng bansa nitong Pebrero 2024 o katumbas ng 1.80 milyong Pilipino.
Kumpara ito sa 4.5 percent na naitalang unemployment rate noong Enero o katumbas ng 2.15 milyong mga Pilipino at 4.8 percent noong Pebrero 2023 o katumbas ng 2.47 milyong Pilipino.
Kasunod niyan, ini-ulat din ng PSA ang pagtaas naman ng bilang ng mga nagka-trabaho sa 96.5 percent noong Pebrero 2024 o katumbas ng 48.95 milyong mga Pilipino.
Kumpara ito sa naitalang 95.5 percent noong Enero 2024 o katumbas ng 45.9 milyong Pilipino at 95.2 percent noong Pebrero 2023 o katumbas ng 48.80 milyong Pilipino.
Samantala, nakapagtala naman ng 6.08 milyong mga Pilipino ang tinawag na underemployed noong Pebrero ng taong ito.
Habang ang Labor Force Participation rate nitong Pebrero na nasa 64.8 percent. | ulat ni Jaymark Dagala