Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese national na nagtangkang makalusot sa immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Kinilala ang tatlong Chinese na sina Yu Yang, Wang Bo, at Zhang Yong, na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng Cathay Pacific flight papuntang Hong Kong.
Ayon Kay Kay BI commissioner Norman Tansingco, natuklasan ng immigration officer na ang tatlong dayuhan ay may derogatory records at subject ng blacklist order na inisyu noong 2023.
Dahil dito ay agad inilipat ang nasabing Chinese national sa BI Wardens’ Facility sa Bicutan, Taguig kung saan sila mananatili hanggang sa kanilang deportation. | ulat ni Lorenz Tanjoco