Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang “all-time high” na Foreign Currency Deposit Units o FCDU para sa taong 2023.
Base sa datos ng BSP, umabot sa $54.4 bilyon ang FCDU deposit liabilities as of December 2023.
Mas mataas ito ng 13.72% kumpara $47.85 billion kumpara noong December 2022.
Paliwanang ng Bangko Sentral, ito ay dahil sa pagtaas ng FCDU time certificates of deposit ng mga resident individuals at pagtaas ng remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers.
Ang mga dollar deposit ay 97.4% na pagmamay-ari ng mga Pilipino.
Dahil dito ayon sa BSP, malaking ambag ito bilang “additional buffer” sa gross international reserves (GIR) ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes