Umabot sa 46 Muslim na persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya ng Bureau of Corrections simula noong Marso nitong taon.
Ayon Bucor Director General Gregorio Catapang Jr., sa nasabing bilang ay dagdag na ito sa 754 na PDLs na napalaya buhat nang magsimula ang Marcos administration nitong 2022.
Dagdag pa ni Catapang na nasa mahigit 3 Thousand PDLs ang kasalukuyang nakapiit sa ibat ibang penal farms sa bansa
Samantala, patuloy naman ginagawang decongestion program ng BuCor upang mas makabawas sa populasyon ng mga preso, lalo na ang mga bilango na nakapagsilbi na ng kanilang sentensya sa kanilang kasalanan sa batas.| ulat ni AJ Ignacio