Hindi sang-ayon si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores sa bagong polisiya ng Philippine National Police (PNP) na nagbabawal sa visible tattoos para sa mga kasalukuyang personnel at mga aplikante.
Aniya, makalumang kaisipan ang stereotyping laban sa mga taong may tattoo at hindi naka-base sa bagong realidad ngayong 21st century.
Hindi rin aniya ito basehan ng pagiging mabuting tao o good moral conduct, kakayahan at kasanayan sa pagiging pulis.
Sabi pa ni Flores na maaaring ikonsidera bilang unconstitutional ang diskriminasyon sa mga taong may tattoo na dahil maaari itong simbolo ng pagpapahayag ng pananampalataya, pag-ibig at asosasyon.
Isa pa sa ipinunto ng mambabatas ay pagiging iligal ng kautusan dahil wala umanong basehan sa batas ang ipinupunto ng tagapagsalita ng PNP hinggil sa negatibong imahe sa publiko na kasama sa kwalipikasyon at diskwalipikasyon na nakapaloob sa Section 30 ng Republic Act 6975.
“The PNP should not make tattoos a proxy or indirect indicator of “good moral conduct” or “of sound mind and body…It can also be considered unconstitutional to discriminate in a way against people with tattoos because tattoos are symbols of expression of faith, love, and association…Tattoos also have nothing to do at all with the competence and skills needed to become law enforcers. Therefore, the ban on tattoos is irrelevant as a disqualification.” diin ni Flores. | ulat ni Kathleen Forbes