Nakapagtala ng apat na phreatic eruption events ang Taal Volcano mula alas-12:00 ng madaling araw kahapon hanggang alas-12:00 ng madaling araw kanina.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto ang ipinakitang aktibidad ng bulkan.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bulkan ng 17 volcanic earthquake kabilang ang volcanic tremor na tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto.
Naitala din ang pagbuga ng plume ng hanggang 1,200 metrong taas, katamtaman hanggang sa malakas na pagsingaw, napadpad sa Timog- Kanluran, Kanluran-Timog-Kanluran at Hilagang Kanluran.
Ayon pa sa PHIVOLCS, nananatili pa rin sa alert level 1 ang status ng bulkang Taal. | ulat ni Rey Ferrer