Muling nakitaan ng pagbuga ng usok ang bunganga ng Bulkang Taal ngayong araw.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS nangyari ang phreatic o steam driven eruption ala-5:11 na nagtagal hanggang ala-5:24 ng umaga kanina.
Ayon sa PHIVOLCS, may taas na 2,400 metro ang nakitang white steam-laden plume sa direksyong timog-kanluran.
Nakabatay naman ito sa kanilang seismic, visual at sound records.
Dahil dito, ini-ulat ng PHIVOLCS na posible pang masundan ang mga kahalintulad na mga aktibidad sa susunod na oras.
Nananatili naman sa Alert level 1 ang bulkang Taal kaya’t pinapayuhan ang mga residenteng malalapit dito na gawin ang ibayong pag-iingat. | ulat ni Jaymark Dagala