Ipinaabot ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mag-a-avail ng ilang serbisyo nito, partikular ang Business Name Registration System (BNRS) Next Gen na sasailalim sa system maintenance magmula ngayong araw ika-6 hanggang ika-9 ng Abril, araw ng Martes.
Ayon sa advisory na inilabas ng DTI, sa kabila ng pagsailalim sa system maintenance ng BNRS ay magpapatuloy pa rin ito sa kanilang pag-asiste sa mga kliyente maliban na lamang sa ilang transaksyon na nangangailangan ng nasabing system.
Kabilang dito ang:
• Business Name Registration (New and Renewal Application)
• Issuance of Affirmative/ Negative Certification
• Changes of Information or Amendments to the Certificate of Business Name Registration
• Change/ Upgrading of Territorial Scope
• Issuance of Cancellation Certification
• Authentication or Certified True Copy (CTC)
• Issuance of BMBE Certificate of Authority (For Sole Proprietors only)
Humihingi naman ng paumanhin ang DTI sa abalang idudulot ng nasabing pag-improve nito sa kanilang system.
Maaari namang makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan sa pinakamalapit na Negosyo Centers, email, o pag-message sa kanilang Facebook page para sa mga katanungan o paglilinaw. | ulat ni EJ Lazaro