Hindi na nakalagpas pa ng immigration ang isang dayuhang Cambodian matapos itong maharang ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Ariport (NAIA) Terminal 1 dahil napapabilang pala ito sa listahan ng wanted fugitives ng Interpol dahil sa pagkakasangkot nito sa cybercrime.
Tinukoy ang lalaking dayuhan na si Bai Longhao, 35 taong gulang. Kinahaharap ni Bai ang mga alegasyon ng telco fraud sa China kung saan natangay nito ang halagang aabot sa higit $2.7 million patungong Cambodia.
Ipinag-utos na ni BI Commissioner Norman Tansingco ang paglalagay sa pangalan ni Bai sa BI blacklist para di na ito kailanma’y makapasok ng bansa.
Ipinangako rin ni Tansingco na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Interpol upang pigilan ang mga dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro