Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone ngayong araw (April 8).
Bahagi ito ng nakatakdang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas.
Sabay-sabay na pinagana ang Cebu-Negros-Panay Backbone sa mga lalawigan ng Iloilo, Negros Occidental at Cebu sa seremonya sa Bacolod Substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon sa NGCP, hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago nakumpleto ang proyektong ito.
“We must to recognize the NGCP for the successful completion of the CNP. The completion of this project is a milestone in our pursuit to enhance the resilience and reliability of our power infrastructure, especially in this area.” — Pangulong Marcos.
Sa katunayan, bagamat certified bilang Energy Project of National Significance (EPNS) noon pang 2019, naharap ito sa iba’t ibang hamon.
Kabilang na ang usapin sa ‘right of way’, matagal na judicial process at permitting process ng mga lokal na pamahalaan, security issues, maging ang pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa kabila nito, tinutukan ng NGCP ang mga imprastraktura para sa kuryente, upang mapalakas ang power transmission capabilities ng bansa.
“The timely completion of critical transmission projects in strategic locations is paramount to avoid power disruptions and ensure our continued development. Let us remain steadfast in our drive to ensure the timely completion of the remaining major transmission projects to bolster the stability of our power grid.” — Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang proyektong ito ay sumasalamin sa commitment ng administrasyon na mapalakas ang mga komunidad sa bansa para sa mga susunod na henerasyon.
“This remarkable feat of collaboration and innovation embodies our steadfast commitment to empowering communities, enhancing connectivity, and ushering in a brighter and more sustainable future for generations to come.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan