Bilang pagpapakita ng agarang tulong at serbisyo sa mga Overseas Filipino Workers na nasa abroad ay gumawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng paraan para ma-renew ng mga ito ang kanilang mga expired na National Certificates (NC) at Certificates of Competency (CoC).
Sa anunsyo ng TESDA, bukas (open) na kasi ang online renewal para sa mga nabanggit na sertipikasyon kung saan kinakailangan lang ng mga OFWs na mag-email sa [email protected] para maiproseso ng TESDA Certification Office.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu, ang pag-iisyu ng e-certificates ay isa sa kanilang pangako na pagpapalakas ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng teknolohiya na magreresulta sa mas magandang oportunidad para sa Pinoy workforce.
Ilan sa mga requirements para sa online renewal ng mga certificates ay ang:
- • Certificate of Employment;
- • Verified Contract;
- • Working Permit or equivalent;
- • Accomplished Application Form;
- • Isang high-resolution passport-size colored na larawan na naka-JPG file format ng certificate owner na naka-corporate attire, o di kaya ay nakasuot ng collared shirt, at may white background;
- • Isang high-resolution na larawan sa JPG file format ng tatlong specimen signatures ng certificate holder, gamit ang itim na ball pen sa white background.
- • Isang scanned copy ng Philippine passport nito kabilang ang immigration entry at exit stamps, at isa pang Government-issued ID nito na may larawan at pirma. | ulat ni Lorenz Tanjoco