Chinese national, arestado sa Nueva Ecija dahil sa pagmamay-ari ng armas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang 44-na taong gulang na Chinese national sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Zaragoza Municipal Police Station sa Nueva Ecija.

Sa ulat ng Police Regional Office 3, dinakip ang naturang dayuhan sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Ayon kay Zaragoza Municipal Police Chief, Major Gregorio Bautista, nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa kasong kinasasangkutan nito noong isang taon.

Una kasing nagkasa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tinutuluyan ng dayuhan kung saan nasamsam ang mga iligal na armas subalit bigo silang maaresto ang pakay.

Kaya naman nagpatuloy ang pagtugis ng Pulisya hanggang sa matunton na nila ito kahapon.

Pinapurihan naman ni Police Regional Office 3 Director, Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. ang pagkakaaresto sa dayuhan sabay paggigiit na wala silang sinasantong kriminal maging ito man ay dayuhan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us