Naglabas ng warning ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC, hinggil sa panibagong scam na kumakalat ngayong sa cyberspace.
Ayon sa babala ng CICC ang nasabing scam ay nagpapanggap na mula sa GLOBE TELECOM at target na kunin ang mga personal na impormasyon ng isang indibidwal.
Paliwanag ni CICC Executive director Alexander Ramos – ang ginagamit na domain ng nasabing modus ay globeeph.top at ipinapadala sa pamamagitan ng text.
Ayon sa nasabing scam text message – ipapaalam sa isang individwal na mag eexpire na ang kanyang rewards points sa nasabing telco at kinakailangang i click ang nabanggit na link para ito ay ma redeem.
Sa oras na i-click ng customer ang link ay dito na sila hihingan ng mga personal na impormasyon kabilang ang mga kanilang bank account information.
Paalala ni Ramos sa publiko na tigilan ang pag click ng mga links mula sa mga hindi kilalang sources para makaiwas sa scam. | ulat ni Lorenz Tanjoco