Ipinagdiwang kahapon (Abril 18) ng Civil Relations Service Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) ang kanilang ika-73 anibersaryo sa Camp Aguinaldo.
Ang programa ay pinangunahan ni Acting AFP Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura na kumatawan kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. at CRSAFP Commander Major General Ramon Zagala.
Sa kanyang pahayag, ipinaabot ni Lt. Gen. Cordura ang pagbati ni Gen. Brawner sa mga tauhan ng CRSAFP para sa kanilang mahusay na trabaho sa military operations, information dissemination, at community engagement programs na mahalaga sa pagsulong ng pambansang depensa.
Tampok sa selebrasyon ang pagkilala sa achievements ng CRSAFP at ang pagpaparangal sa kanilang mga natatanging tauhan na naka-ambag sa pagpapatupad ng epektibong civil military operations. | ulat ni Leo Sarne
📷: A1C Castro/PAOAFP