Cloud seeding, minumungkahi ni Sen. Gatchalian para maiwasan ang pagpalya ng mga hydroelectric power plants sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Minumungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na magsagawa na ng cloud seeding para maiwasan ang pagkatuyo ng mga hydroelectric power plants sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, isa sa mga dahilan kaya nagkaproblema ang ating bansa sa suplay ng kuryente ay ang pagkatuyo ng hydroelectric power plant kaya hindi gumana ang mga ito.

Kaya naman kung kaya aniyang mag-cloud seeding ay dapat na itong isakatuparan para umulan at magkaroon ng tubig sa mga hydroelectric power plant.

Nagbabala ang senador, na kung magpapatuloy ang kakulangan ng suplay ng kuryente ay baka magpatuloy rin ang pagpapatupad ng rotating brownout sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, hihilingin ng mambabatas sa Senate Committee on Energy na makapagkasa na agad ng imbestigasyon tungkol sa energy situation sa bansa sa gitna ng inaasahang paglala pa ng temperatura sa bansa sa susunod na buwan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us