Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang dalawang taong delay sa Air Traffic Control Tower Project para sa Clark Airport.
Ito ay ang P316.43 million na 18-storey Clark Air Traffic Control Tower Project sa Clark International Airport na dapat ay nakumpleto na nuong January 24, 2022 at ang P593.59 million na installation ng Primary Surveillance Radar at Monopulse Secondary Radar ng airport.
Base sa inspection ng state auditors, nasa 60.90 percent lamang ang nagawa sa air traffic control tower habang 25.9 percent naman sa dalawang radar project.
Ang control tower at may 365-days contract duration habang ang primary at secondary radar at 510-day contract duration. Ang parehas na proyekto ay napagbigyan ng ilang beses na extension para makumpleto.
Napag-alaman din ng audit team na balakid sa pagkumpleto ng proyekto ang non-issuance ng Height Clearance Permit.
Ipinaalam din ng Clark International Airport Corp (CIAC) sa COA na kailangan ng aeronautical study o mga karagdaang document Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Pero diin ng COA na ang mga naglalabasang isyu sa pagtapos ng mga kinauukulang mga proyekto ay dapat nang naresolba sa unang yugto palang ng proyekto.| ulat ni Melany V. Reyes