Malapit nang buksan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa 45-day Summer Youth Internship Program na pasisimulan sa Hunyo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,15 posisyon ang nakalaan para sa qualified interns sa main office ng ahensya at lima dito ay para sa differently abled.
Ang bilang ng participants sa regional field offices, bureaus, at mga kalakip na ahensya at korporasyon ay depende sa pagkakaroon ng mga pondo.
Ang mga mag-aaral sa kolehiyo, high school graduate o out-of-school youth sa pagitan ng edad na 18 at 25 taong gulang ay maaaring mag-aplay sa programa.
Nilalayon ng programa na turuan ang mga kabataan sa serbisyo publiko, magsilbing isang recruitment platform para sa mga potensyal na empleyado ng gobyerno.
Ayon sa DA, bibigyan ng arawang sahod na ₱610 ang mga kalahok sa internship program
Ang mga applicants na tatanggapin ay itatalaga sa mga piling tanggapan o yunit, depende sa mga kinakailangan ng mga tanggapan ang internship program ay magtatapos sa Agosto 5. | ulat ni Rey Ferrer