Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa pagkabahala ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lumalalang sitwasyon sa trapiko sa Metro Manila at iba pang urban areas.
Ayon kay Romualdez, kasama rin ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga hamon sa paglago ng ating ekonomiya.
Kinakain kasi aniya nito ang oras para sa pagta-trabaho maliban pa sa gastos sa petrolyo at pera.
Kaya isa sa mga nakikitang solusyon ng lider ng Kamara ay ang pagdaragdag sa skyway sa EDSA at iba pang major roads.
Maaari naman aniya na kunin ang tulong ng pribadong sektor para sa pagpopondo.
Aminado naman si Romualdez na limitado ang maaaring gawin ng gobyerno pagdating sa dami ng sasakyang bumabaybay sa kalsada.
Isa kasi aniya ito sa palatandaan ng economic progress. | ulat ni Kathleen Jean Forbes