Inihayag ni US National Security Communications adviser John Kirby na inaasahan ang joint investment opportunity sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden.
Sa panayam kay Kirby ng Philippine Media delegation, sinabi nitong may dagdag na investment opportunities ang naghihintay para sa Pilipinas. Excited aniya ukol dito si mismong US President Joe Biden.
Samantala, napag-alaman na may business meetings ring dadaluhan si Pangulong Marcos Jr. bilang bahagi ng kanyang Washington official visit.
Ito naman ay kinumpirma ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez na kung saan, ay mismong mga negosyanteng Amerikano aniya ang humiling na makapulong nila ang Pangulo. | ulat ni Alvin Baltazar