Dalawang marine mammals, natagpuan natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa Caraga region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang sperm whale na naaagnas na ang napadpad sa Magpuoungko Rock Pools sa Barangay Pilaring sa bayan ng Pilar, Surigao del Norte.

Sa litratong ibinahagi ng Philippine Coast Guard Station Siargao, makikita ang balyenang wala nang buhay sa Magpupungko Rock Pools, lugar na tanyag na paliguan sa Siargao Island.

Kinumpirma ng Coast guard na isang sperm whale ang nasabing balyena na ginamitan ng excavator ng pamahalaang lokal para ito maalis sa kinalalagyan at inilibing sa landfill area sa bayan ng Pilar, Siargao.

Ayon kay PLt. Jireh Arsenio ng Pilar Municipal Station, ang balyena ay may habang 30 feet at timbang na umabot sa 10 tonelada at posibleng matagal nang patay sa dagat kayat nang mapadpad sa baybayin ay nasa state of decomposition ito.

Samantala, isang wala nang buhay na dugong naman ang natagpuan sa karagatan ng barangay Tag-anongan, sa bayan ng Cortes, Surigao del Sur.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagkamatay ng dugong at balyena na natagpuan nito lang Martes, Abril 16 na ayun sa BFAR Caraga hindi na maaring ipasailaim sa laboratory examination dahil sa delikado na sa kalusugan ang naagnas na balyena. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan

📸 Coast guard station Siargao/ Cortes LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us