Inaasahang makararanas ng mas mainit na temperatura gayundin ang ‘danger level’ na heat index ang ilang lugar sa bansa ngayong Miyerkules.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa 44°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw na maitatala sa Dagupan City, Pangasinan.
May pitong lugar din ang tatamaan ng hanggang 42-43°C ang heat index sa Bacnotan, La Union; San Jose, Occidental Mindoro; Palawan; Roxas City, Capiz; Guian, Eastern Samar; at Cotabato City, Maguindanao.
Kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40-41°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’. | ulat ni Merry Ann Bastasa