Aabot sa 4,724 Certificates of Land Ownership Award ang ipapamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR),sa mga magsasaka sa Negros Occidental, bukas Abril 8 2024.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, magiging benepisyaryo nito ang 2,797 agrarian reform beneficiaries (ARBs) para sa 2,550.3952 ektarya ng lupang agrikultural.
Gaganapin ang pamamahagi ng land titles sa Manuel Y. Torres Memorial Coliseum And Cultural Center, Bago City , Negros Occidental.
Nangako si Estrella III na susuportahan nito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi ng land ownership titles sa mga magsasaka at magbibigay ng suporta upang matulungan mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Ang mga bagong lupain ay ang regular na target ng DAR sa ilalim ng Land Tenure Improvement (LTI) na sumasaklaw sa mga pribadong lupaing pang-agrikultura .
Habang ang mga lupain sa ilalim ng Project SPLIT ay ang mga sakop at dati nang naisyuhan ng DAR ng Collective Certificates of Land Ownership Award at ngayon ay hinahati-hati at pinalitan ng mga indibidwal na CLOA o land titles.| ulat ni Rey Ferrer