Apat na Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa Bicol Region ang pinagkalooban ng mga makinarya at kagamitang pangsaka ng Department of Agrarian Reform.
Ang gamit pangsakahan ay nagkakahalaga ng abot sa Php 930,000.
Kabilang sa mga makinaryang pangsaka na ipinagkaloob, ang mga hand tractors, rototiller, rice thresher at corn shellers.
Tiwala ang DAR na makatulong ito sa pagpapalakas sa aktibidad pangkabuhayan ng mga magsasaka at maging matatag sa pagbabago-bago ng klima.
Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Renato Bequillo, ipinagkaloob ang makinarya at kagamitan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program ng DAR. | ulat ni Rey Ferrer