Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga retired pensioner na magsumite na ng kanilang Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) Compliance bago matapos ang deadline ngayong buwan ng Abril.
Partikular na tinukoy ng SSS ang mga pensioner na nakatakda para sa ACOP ngayong buwan.
Kailangan nilang magsumite upang magtuloy-tuloy ang pagtanggap ng kanilang monthly pensions.
Obligado na gumawa nito ang mga pensioner na nakatira na sa ibang bansa at nasa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas.
Kabilang din ang total disability pensioners, death survivorship pensioners, at dependent children sa ilalim ng guardianship. | ulat ni Rey Ferrer