Nagkasundo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at isang fast food chain para sa pagpapanatili ng kagubatan sa mga mangrove area, kung saan matatagpuan ang tanyag na fast food chain.
Ang Memorandum of Understanding (MOU) ay isang pangunahing inisyatiba sa ilalim ng DENR’s Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilience and Environmental Sustainability).
Ang partnership ay magpapalakas sa mga pakikipagtulungan para sa isang decarbonized at regenerative na kinabukasan.
Isusulong nito ang isang science-based na risk assessment, mapanatili ang isang climate-smart na pamamahala ng mga inisyatiba ng komunidad, sa pangangalaga at pamamahala ng bakawan.
Layon ng MOU na makabuo ng mga miyembro ng komunidad na may kapangyarihang mapagbuti ang buhay mula sa mga aral na natutunan sa ilalim ng MOU. | ulat ni Rey Ferrer
Photo: DENR