Hinihikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na makiisa sa pagtitipid ng tubig bunsod ng kasalukuyang kondisyon ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa DENR, malaking tulong ang simple at napakahalagang paggawa ng nakasanayan ng mga Pilipino tungo sa pagpapaganda ng kapaligiran lalo sa mga lalawigan.
Kabilang na dito ang pag-check ng mga tubo o linya ng tubig upang maiwasan ang 15 hanggang 40 porsyentong kabawasan sa pagkonsumo ng tubig.
Pagbabad sa mga pinagkainan o mga plato upang lumambot ang mga dumi, at makatipid ng 500 hanggang 1,000 litro ng tubig kada buwan.
Kung magluluto naman gaya ng mga frozen meat, mas mainam raw kung ibabad muna sa isang palangganang may tubig upang maiwasan ang running water.
Magdilig sa tamang oras at kung kinakailangan lamang magdilig; dapat ding limitahan ang paggamit ng shower o hanggat maaari ay gumamit nalang ng tabo sa pagligo.
Umaasa ang DENR, na makakatipid sa pagkonsumo ng tubig ang bawat mamamayan upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer