Opisyal nang binuksan ng Department of Education (DepEd) ang National Science and Technology Fair 2024 sa Sequoia Hotel, Parañaque City.
Layon ng programa na mapabuti ang research skills ng mga mag-aaral gaya ng critical thinking, problem-solving, gayundin ang innovation at creativity.
Tampok sa patimpalak ang 120 science projects ng mahigit 200 student-researchers mula sa 16 na kalahok na rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito, hinimok ni DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Janir Datukan ang mga mag-aaral na i-apply ang kanilang mga ginawang proyekto sa mga real-world na sitwasyon.
Hinikayat din nito ang mga kalahok na ikonsidera ang lahat ng sektor sa pagdisensyo ng kanilang mga proyekto sa hinaharap gaya ng agrikultura, edukasyon, energy, disaster preparedness, environmental protection, at iba pa.
Ang National Science and Technology Fair 2024 ay isasagawa simula April 1 hanggang 5.| ulat ni Diane Lear