Nanguna ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga ahensya ng pamahalaan na may pinakamataas na performace rating batay sa OCTA Research Group.
Sa survey na ikinasa ng OCTA, 84% ng respondents ang kuntento sa pamamalakad ng DepEd habang 82% ang tiwala sa ahensya.
Pumapangalawa naman ang DOH na nagkamit ng 80% performance rating at 79% trust rating; DSWD na may 77% performance rating at 79% trust rating; CHED na may 73% performance rating at trust rating at DPWH na may 72% performance rating at 71% trust rating.
Pinakamataas naman ang performace rating ng DepEd sa Mindanao na sinundan ng Visayas at Balance Luzon.
Isinagawa ang survey mula March 11-14 sa 1,200 na respondents sa buong bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa