Nagpadala ng liham ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para tugunan ang mga panawagan na bilisan ang transition sa lumang school calendar.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education tungkol sa epekto ng sobrang init na panahon sa pag-aaral ng mga estudyante, sinabi Education Assistant Secretary Francis Bringas, nilalaman ng liham ng ahensya kay Pangulong Marcos ang mas agresibong proposal para maibalik na sa lumang school calendar ang susunod na school year 2024-2025, kung saan magtatapos ito sa March 2025.
Maliban dito, inilatag rin ng opisyal ang 2 school year timeline sa pagbalik sa lumang school calendar.
Sa proposal na ito, ang SY 2024-2025 ay magtatapos ng May 16, 2025; ang school year 2025-2026 ay magtatapos sa April 16, 2026; at pagdating ng SY 2026-2027 ay balik na sa dating schedule kung saan magbubukas ang klase sa June 2026 at magtatapos ito sa March 2027. | ulat ni Nimfa Asuncion