Kinumpirma ng DepEd na naisumite na nila sa tanggapan ng Pangulo ang proposal na bumalik sa lumang school calendar.
Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education ang Culture, sinabi ni Dr. Leila Areola, Director ng DepEd Bureau of Learning Delivery mula sa 5-year period ng unti-unting pagbabalik sa dating school calendar ay pinabilis nila ito sa dalawang taon dahil na rin sa kahilingan ng nakararami.
Sakaling maaprubahan, balik April at May ang bakasyon ng mga estudyante.
“DepEd is really working on the gradual shift of the school calendar to the pre-pandemic school calendar. From the original five-year period for the gradual shift, and due to the recent clamor also, we have to speed up (the shift). We tried to look for options, and as of now it’s down to two years. We have submitted options to the Office of the President and should we have their statement already, we will discuss it with the OP, then the DepEd will apprise this committee,” paliwanag ni Areola.
Muli namang iginiit ni Pasig Rep. Roman Romulo, chair ng Komite na ang gusto talaga ng lahat ay bumalik na sa old calendar dahil na rin sa problemang dala ng kainitan ng panahon.
Maliban dito mas gusto rin ng nakararami ang face-to-face classes kaysa sa online.
Sinegundahan ito ni ACT Teachers party-Rep. France Castro.
Aniya, maliban sa init ng panahon ay dagdag gastos din sa internet ang asynchronous classes.
Kaya naman iilan na lang din sa mga mag-aaral na nakaka-comply dito.
Dagdag pa ng teacher solon na mismong ang bahay ng karamihan sa mga guro ay napaka-init at mala-pugon kaya hirap din sila na makapagturo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes