DepEd, nilinaw na walang partikular na kulay na dapat isuot ang mga kawani nito sa alternatibong uniporme ngayong tag-init

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng mga batikos sa guidelines ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa pagsusuot ng alternatibong uniporme ng mga teaching at non-teaching personnel nito ngayong mainit ang panahon.

Naglabas ng paglilinaw ang DepEd na maaaring magsuot ang kanilang mga kawani ng kahit anong kulay ng collared shirt.

Hindi anila ito limitado sa kulay puti, berde, at pula gaya ng inilabas na larawan ng DepEd sa social media.

Ayon kay Education Spokesperson at Undersecretary Michael Poa, ang inilabas nilang halimbawa na damit na may kwelyo at logo ay maaari lamang pagpilian.

Aniya, pwedeng isuot ang alinmang damit na may kwelyo na ginamit sa nakalipas na DepEd events tulad ng Brigada Eskwela, Palarong Pambansa, Oplan Balik Eskwela, at iba pang aktibidad ng ahensya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us