Bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) Schools Division Dinagat Islands ang bagong schedule sa mga paaralan sa nasabing probinsya.
Alinsunod ito sa inilabas na Division Memorandum No. 177, s. 2024 mula sa Schools Division Office ng Dinagat Islands kung saan ang klase sa lahat ng public schools sa probinsya ay magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali para sa morning shift samantala sa afternoon shift ay 2-6pm.
Makakatulong ang hakbang na ito sa mga mag-aaral at guro sa pag-iwas ng mga sakit na nauugnay sa init gaya ng heat stroke at heat exhaustion.
Pinayuhan din ng Schools Division ang mga paaralan na iwasan ang mga aktibidad sa labas ng silid-aralan upang maiwasan ang direktang sikat ng araw.
Tiniyak naman ni Schools Division Superintendent Florence Almaden na bibigyang prayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng mga studyante at mga guro ng nasabing probinsya. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan