Hindi isinasara ng pamahalaan upang gawing pangmatagalang solusyon ang desalination at matiyak na ‘di makararanas ng kakulangan sa tubig ang bansa lalo na sa panahon ng El Niño.
Ito ang pahayag ni Task Force El Niño Spokesperson at PCO Assistant Secretary Joey Villarama sa harap ng pagpupursige ng administrasyon na matiyak ang seguridad ng tubig sa bansa.
Ayon kay Villarama, marami ang nagtatanong sa kaniya kung maaaring tularan ang ibang mga bansa gaya ng India na gumagamit ng desalination.
Sinabi ni Villarama na may kamahalan ang desalination subalit hindi naman aniya inaalis ng pamahalaan na maikonsidera ito sa long-term solution ng gobyerno kung ang pinag-uusapan ay seguridad sa tubig.
Ang desalination ay proseso ng pagtanggal ng asin at iba pang mga mineral mula sa tubig at maaasahang opsyon para sa pagpapaunlad ng maaasahang suplay ng malinis na tubig. | ulat ni Alvin Baltazar