Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng Filipino seafarers na napabilang sa MCS Aries na nasamsam ng Islamic Revolution Guard Group sa Hormuz Strait.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, nasa mabuting kalagayan ang mga naturang marino at inaasahan na papakawalan na ito sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ni De Vega na nakahanda ang DFA sa kakailanganing tulong ng mga Pilipinong marino sakaling pakawalan na ang mga ito.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA at DMW sa Iranian government para sa kasalukuyang sitwasyon ng ating mga kababayan sa naturang barko. | ulat ni AJ Ignacio