DHSUD Sec. Acuzar, pabor na bigyan ng ‘heat breaks’ ang construction workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na bigyan ng “heat breaks” ang construction workers dahil sa nararanasan ngayong matinding init ng panahon.

Sa ambush interview sa ceremonial turn over ng 216 housing units sa Balanga, Bataan, sinabi ni Acuzar na batid niya ang panganib na maaaring idulot ng “extreme heat” sa mga manggagawa na nakabilad sa sikat ng araw.

Hinikayat nito ang mga contractor na tiyakin na nasusunod ang safety protocols na nakasaad sa labor laws bilang potection ng mga manggagawa.

Aniya, maaari namang i-extend ang paggawa ng bahay ng hanggang gabi at iwasan ang pagtatrabaho mula alas-10 ng umaga hanggang hanggang alas-2 ng hapon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us