Nagpahayag ng pagkabahala si House Deputy Minority leader France Castro sa panibagong insidente ng hacking sa government website.
Ito’y matapos maging biktima ng data breach ang computer system ng Bureau of Customs ng ilang hacker groups.
Batay sa ulat, na kompromiso ang ilang sensitibong datos gaya ng personal na impormasyon ng nasa 2,200 na empleyado at tinatayang 80,000 na customers ng ahensya.
Dahil naman dito ay kinalampag ni Castro ang pamahalaan na silipin ang Miru Systems na bagong service provided para sa midterm elections lalo na at may mga kwestyon sa cybersecurity ng kompanya sa mga hinawakan nitong eleksyon sa Congo at Iraq.
Giit niya, dapat kumilos ang DICT para masiguro ang integridad ng gaganaping eleksyon.
“The Marcos administration, particularly the Department of Information Technology (DICT) and the Commission on Elections (COMELEC), must act swiftly to address these cybersecurity threats. It is imperative that measures are put in place to protect our systems from cyber attacks, ensuring the integrity of our electoral process and safeguarding our votes,” giit ni Castro
Maliban dito dapat ay maglatag na rin aniya ang DICT ng minimum requirements at protocol sa gagamiting cyber defense system o software ng lahat ng government agencies upang maiwasang makompromiso ang mga sensitibo at mahahalagang impormasyon lalo na ng malalaking data repository gaya ng SIM card registration at National ID system.
“The DICT should establish guidelines and minimum requirements for cyber defense across all government agencies and data repositories to mitigate the risk of hacking incidents. It is crucial to invest in secure systems to safeguard sensitive information and protect the privacy of Filipino citizens,” sabi pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes