Tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapalawak ang digital financial literacy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Katunayan, nakipagpulong na si DSWD Sec. REX Gatchalian sa technical working group (TWG) para talakayin ang resulta ng naging pilot sessions sa Digital Financial Literacy sa limang munisipalidad sa bansa.
Tinalakay rin dito ang pilot testing ng Beneficiary Transactional Account System (BTS), at gayundin ang mobile phone application para mabigyang access ang 4Ps beneficiaries sa iba pang digital financial service providers gaya ng e-wallets.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, layon ng DSWD na mas palawakin pa ang kasanayan at kaalamang pampinansyal ng mga benepisyaryo ng 4Ps upang mas madaling maka-access ang mga ito sa iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno at magbukas din ito sa mas maraming pampinansyal na mga oportunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD