DILG Sec. Benhur Abalos, dumipensa sa isyu ng nabagong halaga ng multi-billion na nakumpiskang droga sa Alitagtag, Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na “transparent” ang ginawang pag-iimbentaryo sa multi-billion-peso na nasamsam na ilegal na droga sa Alitagtag, Batangas. 

Ginawa ni Abalos ang paglilinaw matapos umani ng pagdududa sa ginawang operasyon at imbentaryo sa droga. 

Ayon sa kalihim, isinagawa ang pag-iimbentaryo sa harap ng mga testigo at iba pang otoridad habang naka-video umano ang kabuuan ng proseso. 

Simula nang mahuli aniya ang suspek at masamsam ang ilegal na droga, nakadokumento ito at binuksan din sa media ang pagprisinta sa mga ebidensya. 

Idinagdag pa ng kalihim, ang naunang pagtaya sa nasamsam na ilegal na droga ay base sa inisyal na bilang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Subalit matapos ang imbentaryo, lumalabas na 1,424.253 kilo lahat ang nasamsam na ilegal na droga. Ito ay nagkakahalaga ito ng P6.8 milyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us