Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagiisyu ng Malacanan ng Memorandum Circular (MC) No. 47 na nagaatas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga LGU na suportahan ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, sa tulong ng direktiba ng Palasyo, masisiguro ang mas mabilis na implementasypn ng anti-hunger initiatives ng pamahalaan.
“As chair of the Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, the DSWD expresses its gratitude to President Ferdinand R. Marcos Jr for recognizing the significance of the initiatives of the EPAHP Program,” DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao said on Monday (April 29).
Batay sa MC, palalakasin ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger (IATF-ZH) ang institutional feeding programs katuwang ang partner agencies; palalawakin rin ang credit assistance para masuportahan ang food production, processing, at distribution.
Gayundin, iniutos ni Pangulong Marcos Jr., sa lahat ng myembro ng IATF-ZH na ibilang ang lahat ng mga participating community-based organizations (CBOs) sa mga prospective markets; palawakin ang probisyon ng farm production technologies at serbisyo sa government-assisted family farms at rural-based organizations; at tumulong sa pagsasaayos ng irrigation facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa