Direktibang “agaw armas” ng CPP-NPA sa kanilang mga pwersa, kinondena ng militar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang huling direktiba ng Communist Part of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang mga pwersa, na maglunsad ng pananambang at pang-aagaw ng armas sa mga pwersa ng gobyerno.

Ayon kay NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca, ang direktiba na inilabas ni Marco Valbuena, Chief Information Officer ng CPP nitong Marso 29 ay patunay na mga terorista ang kasapi ng kilusang komunista.

Binigyang diin ni Lt. Gen. Buca, na ang paggamit ng NPA ng mga landmine sa pananambang sa mga sundalo at sibilyan ay lantarang paglabag sa International Humanitarian Law.

Dahil aniya sa walang tigil na pagbalewala ng NPA sa basic humanitarian principles ay nananatili silang banta sa pambansang seguridad na kailangang i-nutralisa.

Tiniyak ni Lt. Gen. Buca, na determinado ang NOLCOM na buwagin ang lahat ng nalalabing pwersa ng CPP-NPA sa kanilang nasasakupan para sa kaligtasan at seguridad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us