Pinuri ni Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) District Collector Yasmin Mapa ang mga tauhan nito na naging instrumento sa pagharang ng milyon-milyong halaga ng iligal na droga sa kanilang area of responsibility.
Ayon kay Mapa, ito ang resulta ng kanilang pangako at dedikasyon sa pagtataguyod ng batas.
Dagdag pa nito na patuloy ang suporta ng kanilang distrito sa mandato ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio dahilan kaya patuloy ang kanilang ginagawang paghihigpit lalo na sa pagpasok ng mga iligal na droga sa mga komunidad.
Ayon naman kay Commissioner Rubio, nagpapatupad ang kawanihan ng masigasig na pagsubaybay sa mga borders ng bansa sa pamamgitan ng pag gamit ng advanced technology , at pakikipagtulungan sa iba pang mga law enforcement agencies. | ulat ni Lorenz Tanjoco