Tuloy-tuloy ang pagtutok ng Deparment of Migrant Workers (DMW) sa kalagayan ng mga kababayang nangangailangan ng kaukulang atensyon at tulong mula sa pamahalaan.
Ito ang inihayag ng bagong Kalihim ng Kagawaran sa katauhan ni Sec. Hans Leo Cacdac sa isang pulong balitaan ngayong umaga.
Sa katunayan, sinabi ni Cacdac na ang kaniyang magiging unang biyahe bilang Kalihim ay ang Saudi Arabia sa una o ikalawang linggo ng Mayo.
Doon, makikipagpulong siya sa kanilang counterpart para paigtingin ang relasyon ng Pilipinas at Saudi sa pagtataguyod sa karapatan gayundin sa kapakanan ng mga OFW sa nasabing bansa.
Asahan na ring matatalakay sa nasabing pulong ani Cacdac ang nagpapatuloy na pamamahagi ng claim sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia kasunod ng pagkabangkarote ng mga kumpaniya roon sa nakalipas na panahon. | ulat ni Jaymark Dagala