Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang nasaktan sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa nangyaring serye ng lindol sa Taiwan kaninang umaga.
Batay sa ulat ng Taiwan Central Weather Administration, dakong alas 2:21 AM nang unang yanigin ng magnitude 6.1, ang nasabing bansa, sinundan ng magnitude 5.8, bandang alas 2:49 AM.
Ayon sa DMW, nakaalerto na ang Migrant Workers Offices nito sa Taipei, Taichung at Kaohsiung at nakahandang tumulong sa sinumang OFWs na naapektuhan ng lindol.
Gumagawa na rin ng mga kaukulang hakbang ang mga kinauukulan para sa tiyak na kaligtasan ng OFWs.
Pagtiyak pa ng ahensya na maglalabas pa ito ng mga updates sa nangyaring mga pagyanig kung kinakailangan.| ulat ni Rey Ferrer