Pinagana ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tatlo nilang tanggapan sa Taiwan.
Ito’y para magbigay ng agarang tulong sa mga Pilipinong nasa Taiwan kasunod ng pagtama ng magnitude 7.5 na lindol kaninang umaga.
Sa pahayag ng DMW, sinabi nitong mahigpit nilang tinututukan ang sitwasyon partikular na sa Filipino community doon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa iba’t ibang ahensya sa Taiwan at mga employer ng Taiwan-based Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa ngayon, wala pa namang natatanggap na impormasyon ang DMW kung may nasaktang Pilipino sa naturang lindol.
Nabatid na mayroong mahigit 66,000 mga Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho o naninirahan ngayon sa Taiwan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Taiwan National Fire Agency via Reuters